13-anyos sugatan sa rambol
MANILA, Philippines -Sugatan ang isang 13-anyos na binatilyo nang mauwi sa pananaksak ang suntukan at rambulan ng magkabilang grupo sa kahabaaan ng Taft Avenue sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si John Kenneth Briones, residente ng Cadena de Amor St. Malate, Maynila.
Isang alyas “James”, 15, ng Ma. Orosa St., Malate, Maynila ang sinasabing suspect sa pananaksak sa biktima.
Naganap ang insidente bago mag-alas-12:00 ng hatinggabi sa Taft. Avenue sa Malate, Maynila, kung saan nagtagpo umano ang magkalabang gang na nauwi sa rambulan.
Natigil lamang ang rambulan nang makitang humandusay si Briones na duguan ang tiyan at itinuturong suspect si James na mabilis namang tumakas.
- Latest
- Trending















