Mag-ama kalaboso sa shabu
MANILA, Philippines - Kapwa kalaboso ang mag-ama nang mahulihan ng mga shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga suspek na sina Joy Marcelo, 32, binata at tatay na si Isidro, 61, kapwa ng Brgy.Karuhatan ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban kay Joy sa nasabing lugar. Nang iabot ni Joy ang dalawang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 sa isang pulis na umaktong buyer ay agad na itong dinamba ng operatiba.
Umapela naman si Isidro at pinipigilan ang mga pulis na madala ang anak, subalit, nang kapkapan ang matanda ay nakuhanan din ito ng 5 sachet ng shabu na naging dahilan upang isama rin ito sa presinto.
- Latest
- Trending
















