^

Metro

NBI aminadong mahihirapan sa red notice vs Ramona

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Aminado ang National Bureau of Investigation (NBI) na ‘nakatali rin ang kanilang mga kamay’ para sa pagbabalik sa bansa kay Ramona Bautista, ang isa sa suspect sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla.

Sinabi kahapon ni NBI director Magtanggol Gatdula na maraming legal na balakid kaya mahihirapan silang kumilos sa utos ni Justice Secretary Leila de Lima na ibalik sa Pilipinas si Ramona, na pinaniniwalaang nasa bansang Turkey.

Partikular dito ang paglalagay umano sa pangalan ni Ramona­ sa International Criminal Police Organization (Interpol) Red Notice. Hindi umano maaaring hilingin ito sa Interpol hangga’t walang iniisyung warrant of arrest ang korte.

Aniya, ang red notice ay isang provisional request para madakip ang isang wanted person na hihilingin na maibalik sa bansang pinagmulan o extradition.

Bukod pa rito, kahit pa may warrant of arrest laban kay Ramona­, hindi rin maaaring magpaaresto ang Interpol member­ country na walang extradition treaty sa Pilipinas.

Maaari lamang umanong magawa ng gobyerno natin ay kanselahin ang pasaporte ni Ramona upang maibalik ito sa Pilipinas at humingi ng pabor ang NBI sa international counter­parts nito para matunton si Ramona.

Matatandaang noong Sabado ay nanawagan ang half-brother ni Ramona na si Senator Bong Revilla sa Department of Foreign Affairs at sa pulisya na gawan ng paraan upang maibalik at papanagutin sa batas ang kanyang half-sister, na aniya’y ang pagtakas nito ay pagpapakita ng ‘guilt’ sa akusasyon sa kanya.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INTERNATIONAL CRIMINAL POLICE ORGANIZATION

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAGTANGGOL GATDULA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PILIPINAS

RAMGEN REVILLA

RAMONA

RAMONA BAUTISTA

RED NOTICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with