La Mesa Dam nasa red alert status

MANILA, Philippines - Itinaas na sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon­ City kahapon matapos na dumating sa mataas na umabot sa spilling level ang tubig nito.

Ayon sa ulat,  tumaas sa 79.75 meters ang tubig sa naturang dam o 0.40 meters bago ang spilling level nito na 80.15 meters.

Sinasabing ang pagtaas ng tubig ay bunga ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila dala ng sina­sa­bing shallow low pressure area.

Ayon kay Teddy Angeles, La Mesa dam headworks manager, inalerto na nila ang local government units at mga residente  kaugnay dito.

Show comments