200 Manilenyo tumanggap ng 'tulong pangkabuhayan'
MANILA, Philippines - Umaabot sa may 200 residente ng lungsod ng Maynila at benepisaryo ang tumanggap ng “tulong pangkabuhayan” program ni Manila Mayor Alfredo Lim. Tumanggap ng tig P1,500 o kabuuang P300,000 ang mga benepisyaryo,na babayaran nila ng P150. kada linggo ng walang tubo.
Sinabi ni Lim, nilikha niya ang nabanggit na programa para matulungan ang mga mahihirap na Manilenyo na makapagsimula ng isang maliit na negosyo, makakatulong para maitaguyod ang kanilang mga pamilya.
“Babayaran ninyo ito ha, para naman may maipautang tayo muli sa iba pang nangangailangan”, ani Lim.
Sinabi naman ni Jay de la Fuente,director ng Manila Social Welfare Department (MSWD),bukod sa tulong pangkabuhayan ay binigyan rin ng isang taong libreng Philhealth ang mga beneficiary na babayaran ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Nabatid na ang programang tulong pangkabuhayan ay isang tuloy-tuloy na programa ng alkalde para matulungan ang mga pinakamahihirap sa Maynila.
- Latest
- Trending