^

Metro

2 factory ng tabako nasunog

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P20-milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa dalawang factory ng tabako sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Marikina, nabatid na ganap na alas-10:20 ng gabi noong magsimula ang sunog at umabot sa Task Force Delta ang alarma.

Naapula ang apoy ganap na alas-2:50 ng madaling-araw kahapon na tuluyang tumupok sa building A at building B ng kilalang brand ng siga­rilyo na makikita sa Fortune Village, Marikina.

Hindi naman nakapandamay sa mga kalapit na residente ang naganap na sunog dahil na rin sa mataas na firewall ng pabrika.

Wala ring naiulat na nasawi o kaya’y nasaktan sa nasabing sunog na ngayon ay kasalukuyan pang iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy.

vuukle comment

APOY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FORTUNE VILLAGE

MARIKINA

MARIKINA CITY

NAAPULA

SUNOG

TASK FORCE DELTA

TINATAYANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with