^

Metro

Bading binigti ng kustomer sa motel

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay na nang ma­tagpuan ang isang bading na hinihinalang binigti ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng isang motel sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Habang sinusulat ang balitang ito ay ina­alam pa ng mga ka­gawad ng Caloocan City Police ang pa­ngalan ng biktima, na inilarawan lamang na nasa edad na 45 hanggang 50 at 5’4’’ ang taas.

Sa inisyal na report ng pulisya, nabatid na kamakalawa ng gabi ay nag-check-in ang biktima na may kasamang lalaki sa room EV3 ng Kings Lodge Hotel, na matatagpuan sa Del Mundo St., ng nabanggit na siyudad

Dakong alas-6:30 kahapon ng umaga, dahil sa sobra na sa oras ang biktima at kasama nito ay ki­natok ng room boy na si Michael Platino ang kuwarto ng mga ito.

Subalit walang sumasagot, kung kaya’t kinuha ni Platino ang master key at nang ma­buksan ang pinto ay gumulantang sa kanya ang bangkay ng biktima.

Nakapulupot sa leeg nito ang isang sinturon at nakahandusay sa lapag ng comfort room na nakahubad.

Wala na sa loob ang kasamang lalaki ng biktima.

Nabatid na madalas na pumapasok sa nasabing motel ang biktima na may kasamang iba’t ibang lalaki.

vuukle comment

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAKONG

DEL MUNDO ST.

HABANG

KINGS LODGE HOTEL

MICHAEL PLATINO

NABATID

NAKAPULUPOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with