862 bagong pulis nanumpa
MANILA, Philippines - Nanumpa kahapon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), Bicutan, Taguig City ang 862 mga bagong pulis na itatalaga sa Metro Manila makaraang sumailalim sa anim na buwang “field training program” sa National Capital Region Training School.
Pinamahalaan ni NCRPO Director, Chief Supt. Alan Purisima ang panunumpa ng mga bagong pulis na binubuo ng 707 mga lalaki at 155 na mga bagong babaeng pulis.
Sinabi ni Purisima na inaasahan niya na magiging mga asset ng PNP ang mga bagong pulis na tutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang publiko at magbigay serbisyo sa taumbayan at hindi pansariling kapakanan ang aatupagin.
Nabatid na may 1,042 slot para sa mga bagong posisyon na Police Officer 1 ang nakalaan ngayong taon ngunit 862 lamang sa mga pumasang aplikante ang nakapagtapos makaraang sumailalim sa mga pagsusuri at pagsasanay.
- Latest
- Trending