Holdaper bulagta sa pulis

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang holdaper matapos mabaril ng isang pulis­ makaraang mang-agaw ng baril ang una kamakalawa sa Malabon­ City.

Dead-on-arrival sa Paga­mutang Bayan ng Malabon ang suspek na si Noel Cabacang 39, miyembro ng Sigue-Sigue Sput­nik at residente ng Navotas City.       

Dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Don Basilio Bautista Boulevard, Brgy. Dampalit­, Malabon City.

Nabatid na isinama ng mga tauhan ng Station Intelligence Branch (SIB) ng Ma­labon City Police sa isang follow-up operation ang suspek na si Cabacang sa naturang lugar upang ituro ang iba pa nitong kasamahang holdaper.

Habang naglalakad ay bigla na lamang inagaw ni Cabacang ang baril ni Chief Insp. Dilag kung saan tinangka ng suspek na barilin ang naturang opisyal ng pulis subalit hindi pumutok ang baril. Mabilis namang nakabunot ng baril si P02 Mervin Medina at binaril si Cabacang na naging­ dahilan upang bumagsak itong duguan.

Unang hinoldap ni Cabacang at mga kasama nito na isa ay si Danilo Maglente ang biktimang si Jiwan Pal Singh, isang negosyanteng Indian national dakong alas-10:50 ng umaga kamakailan lamang.

Nasawi si Maglente ma­tapos itong makipagbarilan sa mga pulis na naganap sa Maya-Maya Avenue, Brgy. Longos Malabon City, habang si Cabacang naman ay na­ aresto ng mga pulis. Nakatakas naman ang iba pa nilang kasamahan na target sana ng operasyon.

Show comments