PSSC sa QC natupok
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na naganap sa may Philippine Social Science Center (PSSC) sa Commonwealth Avenue Quezon City kahapon.
Ayon kay Senior Supt. Bobby Baruello, city fire marshal, nagsimula ang sunog sa may ikatlong palapag ng nasabing gusali ganap na alas-6:40 ng umaga.
Sinasabing nag-ugat ang sunog sa naiwang aircon na nakabukas. Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pamatay- sunog, umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog na agad na naapula ganap na alas- 7:30 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang insidente. Habang patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad dito.
- Latest
- Trending