^

Metro

Technician tumungga ng silver cleaner, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hanggang sa kabilang buhay ay may iniwang babala ang isang 36-anyos na technician sa kanyang suicide note, bago ito tumungga ng silver cleaner na dahilan ng kanyang kamatayan kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

“HUWAG KA NANG MANLALALAKI… AKO NA LANG, BABANTAYAN KITA,” saad sa suicide note ng biktimang kinilalang si Manuel de Leon, ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-8:15 ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nabatid na ang mga ma­gulang mismo ng biktima ang nakapansin sa hindi pa pagbangon ng biktima upang pumasok sa trabaho.

Inutusan umano ng kanyang lola ang anak ng biktima na si Keisha Marie, 12, para gisingin ang ama subalit hindi mabuksan ang nakakandadong pintuan.

Nagawang wasakin ang lock ng pinto at nagulat sila sa nakitang nakahandusay sa lapag ang biktima, katabi ang basyong bote na pinag­lagyan ng silver cleaner at anim na pirasong suicide notes na para umano iiwan sa kanyang live-in partner na si Roselle; kompanya; mga dating kaklase sa Jose Abad Santos High School at M. Hizon Elementary School at isa sa pamilya ni Roselle.

Kapansin-pansin ang liham sa live-in partner na may paulit-ulit na katagang “I love you” bagamat may bilin na huwang nang manlalaki at babantayan siya nito.

Nabatid na pinalayas umano ng mga magulang at kapamilya ng biktima ang live-in partner nito dahil sa umano’y pakikipagrelasyon sa ibang lalaki subalit sa sobrang pagmamahal ay nagawa pang ihatid ng biktima ang babae sa pamilya nito.

Ilang araw ang lumipas, hindi natiis ng biktima ang pagkakalayo kay Roselle kaya dinalaw ito sa bahay nila subalit naaktuhan niya na magkasama umano sa kuwarto ang kanyang bestfriend, na kasamahan din sa trabaho at si Roselle kaya pinagsusuntok ang lalaki.

Nabatid na ang biktima at si Roselle ay hindi pa nagkaka­anak, subalit may dalawang anak ito sa na­unang babaeng karelasyon.

Natuklasan din umano ng biktima na buntis ang live-in partner at anak ito ng bestfriend niya.

vuukle comment

BIKTIMA

HANGGANG

HIZON ELEMENTARY SCHOOL

ILANG

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL

JUPITER TAJONERA

KEISHA MARIE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with