^

Metro

Driver todas sa konduktor

-

MANLA, Philippines - Isang driver ang napatay ng kanyang konduktor matapos na magtalo kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Mary Chiles Hos­pital ang biktimang si Augusto Sinang, 45, driver ng Florida Bus at taga Brgy. 5 Davila, Pasuquin, Ilocos Norte habang mabilis namang tumakas ang suspect na si Joel Miguel, conductor, ng Batac, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan,ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng gabi sa isang tapsilugan sa Loyola St. Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Anselmo Duldulao, magkakasama  umano sila ng biktima at suspect na naglalakad papuntang tapsilugan nang biglang magtalo ang dalawa kaugnay sa kanilang mga trabaho bilang konduktor at driver.

Naawat naman umano ni Duldulao ang dalawa, kaya bumalik ang suspect sa  Bus Terminal sa Earnshaw St. Sampaloc, Maynila, habang dumiretso naman silang dalawa ng biktima sa tapsilugan.

Nakaupo na umano sila at naghihintay ng order ng biglang sumigaw ang biktima ng “pare nasaksak ako”, kung saan nakita­ niya ang suspect na nasa likod ng biktima at may hawak na patalim. Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya. (Doris M. Franche)

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

ANSELMO DULDULAO

AUGUSTO SINANG

BUS TERMINAL

DORIS M

EARNSHAW ST. SAMPALOC

FLORIDA BUS

ILOCOS NORTE

JOEL MIGUEL

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with