^

Metro

Doktor, natangayan ng P5-M ng Akyat-Bahay Gang

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P5 milyong halaga ng mga alahas at pera ang nalimas sa bahay ng isang doktor sa lungsod Quezon makaraang pasukin ito ng hinihinalang “akyat bahay gang” habang nasa bakasyon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Dr. Domingo Bongala Jr., 46, may-asawa, ng #31-A, Sct. Fer­nandez, Brgy. Laging Handa sa lungsod.

Nakuha sa kanilang bahay ang pitong piraso ng Rolex men’s watch na nagka­ka­halaga ng P1.7 milyon; limang piraso ng Rolex women’s watch (P2 million); cash P250,000; US $2,000; Euro dollar 2,500; assorted jewelry­ P500,000; at Acer laptop P40,000; Sony Vaio P80,000.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Christopher Ronquillo, may-hawak ng kaso, nadiskubre ng pamilya Bongala ang pagnanakaw nang duma­ting ang mga ito buhat sa pagbabakasyon ganap na alas-8:30 ng gabi.

Sinasabing pagbungad ng pamilya sa bahay ay napuna nilang ang lock sa main door ng bahay ay puwersahang nakabukas.

Agad na tinungo ang master’s­ bedroom kung saan nakita naman nila na ang door lock nito ay puwersahang din binuksan, at nagkalat ang mga gamit.

Lumilitaw sa ulat na ang pamilya Bongala ay umalis ng kanilang bahay noong Oktubre 30, 2011 ganap na alas-4 ng hapon at nagpunta sa Taal Vista sa Tagaytay City Batangas para magbakasyon.

Dahil dito, pina­alala­hanan ng pulisya ang mga may-ari ng bahay na makipag-komunikasyon sa kanilang kapitbahay o barangay official para ma­katulong na tumingin sa kanilang bahay sa san­da­ling hindi pa sila nakakauwi.

BAHAY

BONGALA

CHRISTOPHER RONQUILLO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DR. DOMINGO BONGALA JR.

LAGING HANDA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROLEX

SHY

SONY VAIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with