^

Metro

1.2 milyon dumagsa sa Manila North Cemetery

- Doris M. Franche -

MANILA, Philippines - Umabot sa 1.2 milyon ang dumalaw sa Manila North Cemetery, ang pinaka­malaking sementeryo sa Metro Manila kaugnay ng paggunita sa Undas.

Ayon kay Manila Police District-Station 3 chief, Sr. Supt. James Afalla, pinaghandaan naman ng kapulisan ang sitwasyon kung kaya’t naging maayos ang daloy ng mga tao na pumapasok at lumalabas ng sementeryo.

Sinabi ni Afalla, na pinairal ng kapulisan ang paghihigpit sa seguridad kung kaya’t walang nakakapasok na kontrabando maliban na lamang sa mga pumupuslit sa mga iligal na pasukan.

Samantala, may 64 “pasaway”, ang ina­resto rin ng pulisya, dahil sa pagdadala ng mga alak, replika ng baril sa buong magdamag.

Nahuli rin ang mga menor-de-edad na nakunan ng 10 gramo ng marijuana habang nagsasagawa ng pot session sa ibabaw ng nitso.

Hindi rin nakaligtas ang apat na  binatilyong nagsasayaw  sa ibabaw ng nitso na pawang mga nakasuot lamang ng underwear.

Hawak ngayon ng MPD ang mga na­dakip at nahaharap ang mga ito sa kasong alarm scandal at discretion of the dead.

Sa kabila nito, sinabi ni Afalla na mapayapa naman ang paggunita sa Undas dahil wala namang naitatalang nasawi o nagkaroon ng riot sa loob ng sementeryo.

Sinabi ni Afalla na magpapatuloy ang kanilang monitoring at inspeksyon hanggang ngayon dahil inaasahan pa rin ang pagdagsa ng mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

vuukle comment

AFALLA

JAMES AFALLA

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

METRO MANILA

SINABI

SR. SUPT

UNDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with