Tanod wanted sa pananaksak

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ang isang barangay tanod nang saksakin nito ang isang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya laban kay Ronald Imberga, ng #113 Silanganan St., Maypajo, Brgy. 26, nasabing lungsod habang isinugod naman sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center Caloocan City ang biktimang si Rusty Jomar Pucad, 19. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga sa Silangan St., Maypajo, Brgy. 26. Nabatid na naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang itong salubungin ng saksak ng suspect.

Show comments