^

Metro

Kampanya vs "guerilla type" vendor ng pirated DVD paiigtingin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na lilinisin niya ang lungsod mula sa mga piniratang DVD kasunod ng pagkakaroon ng “guerilla type” vendor sa Quiapo, Maynila.

Ang paniniyak ay ginawa ni Lim bunsod na rin ng mga reklamo na kanyang ti­nanggap kung saan sinasabing hindi   nawawala ang benta­han ng pirated DVD at sa halip ay nagsasagawa ng  “guerilla type” na bentahan.

Nabatid na magkasa­nib­­­ puwersang sinalakay nina Supt. James Afalla, station commander ng Manila Police District-Police Station 3 at grupo ni Chief Insp. Marcelo Reyes, ng Manila City Hall Public Assistance­ (CHAPA), ang Quiapo area dakong alas-3 kamakalawa ng hapon.

Bagama’t walang nahu­ling  “sniper” na nagtitinda ng DVD, may dalawang truck naman ng mga piniratang DVD ang nakumpiska sa Yes Hotel na pinagtataguan ng mga  vendor sa kanilang ibinebentang DVD.

Nabatid na ang operas­yon ay tumagal ng may tatlong oras, dahil nahirapan ang mga awtoridad na hakutin ang mga DVD matapos na i-bolt cutter ang kandado ng kuwartong pinagtataguan.

Base sa impormasyon ng alkalde patuloy ang pagbebenta ng DVD sa Quiapo, hindi nga lamang lantaran kundi sa pamamagitan ng paglalako ng mga ito sa kanilang mga suki.

Nakatakdang wasakin ang mga nakumpsikang DVD sa pamamagitan ng shredding machine sa susunod na linggo.

CHIEF INSP

DISTRICT-POLICE STATION

DVD

JAMES AFALLA

MANILA CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with