^

Metro

2 traffic enforcers huli sa kotong

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakatakdang imbestigahan ng Metropolitan Manila De­velopment­ Authority (MMDA) ang umano’y dalawa nilang traffic enforcers na nahuli sa isang entrapment operation sa Marikina City dahil sa bintang na nangongotong ang mga ito sa dalawang operator ng jeep.

Inaalam pa ngayon ng MMDA kung tunay nilang mga tauhan ang mga nasakote na sina Vincent Ravago, 32, ng no. 139 JP Rizal street, Brgy. San Roque, Marikina at Jovy Pagulayan, 38, ng no. 32 San Juan Evangelista st, Payatas, Quezon City.

Nabatid na nadakip ang dalawa ng mga tauhan ng Mari­kina­ City Police dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod. 

Sa reklamo nina Erlina San Juan at Bonifacio Pena­rejo Jr., kapwa operators ng pampasaherong jeep, pinag­huhuli ng dalawang enforcers ang kanilang mga behikulo­ sa hindi maipaliwanag na traffic violation.

Hiningian umano sila ng tig-P3,000 para hindi na matikitan na kanila namang sinunod upang hindi na maabala pa.  Bigla pa umanong humingi ng dagdag na tig-P1,500 ang dalawa bilang proteksyon umano para hindi na sila mahuli.

Agad namang nakipag-ugnayan sa pulisya ang dala­wang­ operators na naging dahilan sa pagkakaaresto ng dala­­wang suspek matapos na tanggapin ang marked money­­ sa dalawang biktima.

 Itinanggi naman ng dalawang suspect ang akusasyon laban sa kanila.  Matatandaan na sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi niya kukunsintihin ang sinuman sa kanyang mga tauhan na masasangkot sa mga iligal na aktibidad tulad ng pangongotong.

BONIFACIO PENA

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CITY POLICE

ERLINA SAN JUAN

JOVY PAGULAYAN

MARIKINA CITY

METROPOLITAN MANILA DE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with