^

Metro

Kelot nasawi sa pangunguha ng tahong

- Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalunod ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nangunguha ng tahong sa Manila Bay na sakop ng Malate, sa Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ni SPO2 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 40-50 at may taas na 5”6’’.

May narekober sa bulsa ng biktima na ilang piraso ng tahong  at may hawak pa itong plastik na punit na pinaniniwalaang pinagsidlan ng mga tahong at isang putol ng bakal na may taling nylon cord na gamit sa panunungkit ng tahong.

Sinabi ng mangingisdang si Mark John Mamintos, 20, namamangka siya dakong alas-12 ng madaling-araw nang maramdaman niya ang pagbangga sa isang matigas na bagay sa tabi ng isang nakadaong na pampasaherong yate.

Nagulat siya nang makitang nakalutang ang bangkay kaya ipinagbigay-alam sa MPD-station  9.

Teorya ng imbestigador, pinulikat ang biktima habang na­ngunguha ng tahong na siyang ikinalunod nito. Bagamat walang nakakaalam sa pangalan ng biktima, madalas umano itong nakikitang nangunguha ng tahong sa lugar.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Parlor para sa safekeeping.

BAGAMAT

BERNARDO CAYABYAB

DINALA

INILARAWAN

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARK JOHN MAMINTOS

MAYNILA

NAGULAT

ST. YVAN FUNERAL PARLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with