^

Metro

50 bahay naabo sa sunog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Umabot sa 50 kabahayan ang natupok sa sunog na nagsimula umano sa nakasinding gasera sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ang tinupok na mga kabahayan ay matatagpuan sa Boni Serrano St., Libis na karamihan sa mga naninirahan umano ay mga informal settlers.

Nagsimula ang sunog sa pinakagitnang bahagi ng nasabing compound, partikular sa bahay umano ng isang Dominador Oderos, pasado alas-11 ng gabi.

Dahil pawang gawa lamang sa light materials ang mga kabahayan ay mabilis na kumalat ito hanggang sa tuluyang madamay ang kadikit na mga kabahayan.

Nahirapan ding ma­apula agad ng mga pa­matay-sunog ang apoy dahil sa makitid na lugar.

Umabot ang sunog sa task force alpha, bago tuluyan itong maapula ganap na alas-2:10 ng madaling-araw.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog habang tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng na­pinsala dito.

Patuloy ang pagsi­siyasat ng BFP sa na­turang insidente.

vuukle comment

BONI SERRANO ST.

DAHIL

DOMINADOR ODEROS

LIBIS

NAGSIMULA

NAHIRAPAN

PATULOY

QUEZON

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with