Preso nagbigti sa selda

MANILA, Philippines - Isang preso ang ini­ulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng selda ng Navotas City Police kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Antonio Macatunao “alyas Tonya Bakla”, 35, ng Miguel St., Brgy. NBBN ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na report ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, dakong alas-7:20 ng umaga nang matagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima sa loob ng lumang detention cell, sa dating istasyon ng pulisya, sa M. Naval St., Sipac Almacin ng nabanggit na lungsod.

Isang pulis ang naka­diskubre sa nakabigting katawan ng biktima, gamit ang nylon cord.       

Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang biktima at nakulong dahil sa illegal na droga. Lordeth Bonilla

Show comments