^

Metro

Oil tanker hinaydyak

- Nila Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Isang oil tanker na naglalaman ng premium at unleaded gasoline ang hinayjack ng apat na armadong kalalakihan matapos itong harangin sa North Avenue sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng langis na natangay ng mga suspect sa isang sangay ng Jetti Petroleum Inc.

Ayon kay Leo Extinado, 44, driver ng R&R trucking, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng North Avenue, Brgy. Pasong Pag-asa ganap na alas-3:30 ng madaling-araw. Binabaybay umano nila ang naturang lugar nang harangin sila ng apat na armadong kalalakihan na sakay ng isang green na Mitsubishi Pajero.

Agad na nagsipagbabaan ang tatlo sa mga suspect kung saan isa sa mga ito ang agad na tumutok ng baril kay Extinado bago itinali ang kamay at paa at piniringan ang kanyang mga mata. Matapos nito ay inilipat ng mga suspect ang biktima sa Pajero, saka tinangay ang dala nitong truck at pinatakbo patungo sa North Luzon Expressway. Pagsapit sa may Brgy. Ugong, Valenzuela City ay saka ibinaba ng mga suspect si Extinado.

Sa pagsisiyasat ng CIDU, may 8,000 litro ng diese­l at 12,000 litro ng gasolina ang natangay ng mga suspect na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000.

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EXTINADO

JETTI PETROLEUM INC

LEO EXTINADO

MITSUBISHI PAJERO

NORTH AVENUE

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PASONG PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with