^

Metro

Granada sumambulat sa Makati

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinasabugan ng granada ng hinihinalang grupo ng mga ‘tulak’ ng iligal na droga ang isang residential area upang bulabugin ang nakaumang na operasyon ng pulisya, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kinumpirma ni Makati officer-in-charge Supt. Jaime Santos na isang “fragmentation grenade” ang sumabog dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa may Rose St., Brgy. Rizal.

Lumikha ng limang pulgadang butas ang pagsabog at tinamaan ng shrapnel ang limang bahay. Masuwerte namang walang nasaktan sa naturang insidente.

Sinabi ni Santos na malaki ang posibilidad na kagagawan ng isang sindikato ng iligal na droga ang pagpapasabog sa naturang lugar. Nagsasagawa kasi umano ng operasyon ang kanyang mga tauhan upang malambat ang ilang notoryus na ‘tulak’ at ginawa ang pagpapasabog upang mabulabog sila. Maaaring nais ng sindikato na mabaling sa iba ang atensyon ng pulisya at hindi sa kanila (sindikato). Patuloy naman ngayon ang mas masusing imbestigasyon sa naturang insidente.

vuukle comment

BRGY

JAIME SANTOS

KINUMPIRMA

LUMIKHA

MAAARING

MAKATI

MAKATI CITY

MASUWERTE

NAGSASAGAWA

ROSE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with