^

Metro

2 salvage victim natagpuan sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang babae at lalaki na nadis­kubre sa harap ng Aegis Juris Law Resources Building na kapwa­ may packaging tape ang ulo at bibig kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ni Sr. Insp.Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section ang babae na nasa edad 30-35, may taas na 5’2’’, nakasuot ng kulay itim na maong pants, kulay gray na t-shirt at may tribal tattoo sa paa, habang ang lalaking biktima naman ay nasa gulang na 30-35, may taas na 5’, katamtaman ang pangangatawan, semi-kalbo ang buhok, nakasuot ng maong pants at t-shirt.

Dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Laong Laan corner Na­varra Sts., Sampaloc.

Sa inisyal na imbestigasyon, walang nakitang anumang sugat sa katawan ng mga biktima maliban sa marka ng sakal sa kanilang leeg kung saan nakapulupot pa ang isang nylon cord sa leeg ng lalaki habang may packaging tape naman sa bibig ng babae.

Kapwa dinala sa Funeraria Cruz Funeral parlor ang bangkay ng mga biktima para sa awtopsiya.

vuukle comment

AEGIS JURIS LAW RESOURCES BUILDING

DAKONG

FUNERARIA CRUZ FUNERAL

HOMICIDE SECTION

INIIMBESTIGAHAN

INILARAWAN

KAPWA

LAONG LAAN

MANILA POLICE DISTRICT

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with