Manhunt vs killer ng mag-ina

MANILA, Philippines - Nagsasagawa na ng ma­lawakang manhunt operation ang Quezon City Police District (QCPD) sa isang 39-anyos na lalaki na pumaslang sa isang mag-ina sa lungsod kamakalawa.

Ito ay makaraang ma­tukoy ni QCPD Director Chief Superintendent George Regis ang pagkakakilanlan ng suspect na si Lito Ar­senia, 39, tubong Sudmon, Southern Leyte na mabilis na tumakas matapos brutal na pagpatay sa ka-live-in na si Edna Macaraeg at anak ng huli na si Jadie Magsanay, 7.

Nagpakalat na rin si Regis ng mga larawan ni Arsenia para sa mabilis na pagdakip dito.

Ayon kay Regis, isang saksi ang umano’y nakakita kay Arsenia na nagmamada­ling lumabas ng kanilang bahay sa may Green Thumb Garden, C.P. Garcia St., Brgy. UP Campus sa lungsod ganap na alas-11 ng umaga noong nakalipas na Sabado.

May dala umano itong ma­laking bag at nagsa­bing magpapalabada lamang dahil umalis ang kanyang live-in partner.

Subalit, ganap na alas-2:30 ng hapon kama­kalawa ay nadiskubre ni Danilo Ma­caraeg ang bangkay ng mag-ina na naliligo sa sarili nilang dugo. Unang na­tagpuan sa kama si Jadie na tadtad ng saksak sa dibdib at ulo habang si Edna naman ay natagpuan sa loob ng ca­binet.

Unang iniulat na kapwa­ itinago sa aparador ang mag-ina.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Show comments