^

Metro

Las Piñas fire: Mag-ama, 1 pa patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Tatlo katao, kabilang ang mag-ama at isa nilang helper ang nasawi makaraang hindi makalabas sa natutupok nilang tirahan, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Michael Wang, 52; anak nitong si Shiela, 28; at helper na si Ben Tanio, 45, pawang naninirahan sa Ramos Apartment, Marcos Alvarez St., Brgy. Talon Uno, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas City Fire Station, unang sumiklab ang apoy sa naturang apartment building dakong ala-1:40 ng madaling-araw sa auto supply shop na pag-aari ng pamilya Wang at kumalat na sa buong apartment building.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog kung saan naapula ang apoy dakong alas-5:55 ng umaga at umaabot sa P5 milyong halaga ng salapi ang natupok.

Sa “mopping operation”, nadiskubre ng mga arson investigators ang bangkay ni Michael Wang sa loob ng banyo habang sa ibang bahagi naman ng bahay ang dalawang biktima.

Bukod sa apartment at auto-supply shop, natupok rin ang isang up­holstery shop at isang tarpaulin shop.

vuukle comment

BEN TANIO

BRGY

BUKOD

CITY FIRE STATION

LAS PI

MARCOS ALVAREZ ST.

MICHAEL WANG

NAKILALA

RAMOS APARTMENT

TALON UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with