^

Metro

HS stude nagbigti

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bunga ng umano’y kahirapan at pag-aakalang hindi na makakapag- kolehiyo, tinapos ng isang 16-anyos na estudyante ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ni Ritchie Jimena, ng Brgy. Commonwealth ng kanyang ama na si Dioscoro Gimena na nakabigti dakong alas-10:00 kamakalawa ng umaga gamit ang electrical wire na ipinulupot sa kanyang leeg bago itinali sa kisame ng bahay nila sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago umano nagbigti ang biktima ay nagpunta muna ito sa kanyang dating eskuwelahan sa Binangonan, Rizal ngunit nabigo umano itong makuha ang kanyang form 137 o card dahil may pagkakautang pa ito sa paaralan.

Magmula noon ay naging malungkutin na umano ang biktima at palaging sinasabi na baka hindi na siya makapag-aral muli. Gayunman inaalam pa rin ng mga pulis ang tunay na motibo sa pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment

BATAY

BINANGONAN

BRGY

BUNGA

DIOSCORO GIMENA

GAYUNMAN

MAGMULA

NATAGPUAN

QUEZON CITY

RITCHIE JIMENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with