Mag-ina patay sa cabinet

MANILA, Philippines - Kapwa naaagnas at nangangamoy na ng matagpuan ng mga kaanak ang bangkay ng isang mag-ina sa loob ng kanilang aparador sa kanilang bahay sa U.P. Village, Diliman, Quezon City kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Edna Macaraig, 38; at anak nitong si Jadie, 7, kapwa residente ng Green Tomb Garden C.P. Garcia Bgy. U.P. Village,Diliman,QC.

Ayon kay PO2 Rey Bumatay ng Quezon City Police District Station 9, natagpuan ang naaagnas na bangkay ng mga biktima dakong alas-2:45 ng hapon kahapon sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Sinabi ni Bumatay inaalam pa rin nila kung may kinalaman ang live-in partner ng ina ng biktima sa nasabing pamamaslang dahil wala na ito sa lugar ng kanilang puntahan.

Nabatid sa ulat na may tatlong araw nang hinihinalang namatay ang mga biktima matapos umalingasaw ang masangsang na amoy. Natagpuan ang naaagnas na mga biktima na nakabalot pa sa isang kumot bago isiniksik sa loob ng kanilang aparador. Kinakitaan ng mga sugat at galos sa kani-kanilang katawan ang mga biktima isang indikasyon na pinahirapan muna sila bago pinatay. Natagpuan ang bangkay ng mga biktima ng mga kaanak nito matapos mawala ng ilang araw.

Show comments