^

Metro

Multa sa lalabag sa motorcycle lanes simula na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Uumpisahan na ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paniniket at pagpapamulta sa mga motorcycle riders na lalabag sa itinakdang motorcycle lanes ngayong Lunes sa kahabaan ng Commonwealth at Macapagal Avenue­.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, tapos na ang isang linggong dry-run na kanilang ipinagkaloob sa nagmomotorsiklong tumatahak sa dalawang nabanggit na lansangan kung saan isinasailalim lamang nila sa motorcycle safety riding seminar ang mga luma­bag.

Umaabot na sa 3,451 drayber ng motorsiklo ang isinailalim sa seminar ng MMDA sa loob ng isang linggong implementasyon ng panuntunan.

Ang lahat ng drayber ng motorsiklo na lalabag umpisa ngayong Lunes ay titikitan at pagmumultahin ng P500 habang ang mga mahuhuli naman sa Macapagal Boulevard ay pagmumultahin ng P1,200.

Ipinaliwanag ni Tolen­tino na magkaiba ang ha­laga ng multang ipapataw sa mahuhuling lalabag sa magkahiwalay na lansa­ngan dahil ibinatay nila ito sa umiiral na ordinansa ng kani-kanilang lungsod.

Nilinaw naman ni Candy­ de Jesus, director ng Public Information Office­ ng MMDA na walang iti­nakdang oras  o window hour tulad ng ipinatutupad sa number coding ang panghuhuli sa mga lalabag dahil buong araw at hanggang gabi magbabantay at manghuhuli ang mga traffic enforcers.

FRANCIS TOLENTINO

IPINALIWANAG

MACAPAGAL AVENUE

MACAPAGAL BOULEVARD

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NILINAW

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SHY

SINABI

TOLEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with