^

Metro

Ex-cop itinumba

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tagos sa mukha ang bala na ipinutok sa likod ng ulo ng isang 49-anyos na dating pulis-Maynila at umano’y ex-convict ng hindi pa kilalang salarin sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Absalum Cabahug, ng Purok 1, Dulo Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Agad namang tumakas ang suspect na lulan ng motorsiklo.

Ayon sa ulat, sakay umano ang biktima ng motorsiklong may plakang TJ 9009 nang hu­minto sa N. Zamora St., Tondo at nang dumating umano ang babaeng hinihintay dakong alas-4:24 ng hapon ay nakitang nag-usap ang mga ito.

Hindi nagtagal ay duma­ting naman ang suspect na lulan din ng hindi naplakahang motor­siklo. Bumaba ito bago bumunot ng baril at walang sabi-sabing ipinutok umano sa likod ng ulo ang biktima.

Nang bumulagta ang biktima, nagawa pang kunin ng suspect at tangayin ang naka­sukbit na baril sa beywang ng biktima.

Nakita rin ng ilang saksi na ang babaeng kausap ng biktima ay umangkas sa motorsiklo ng suspect na mabilis na lumayo sa lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon Pebrero 2008 nakalaya mula sa bilangguan ang biktima sa kasong homicide at frustrated murder.

vuukle comment

ABSALUM CABAHUG

AYON

BATAY

BIKTIMA

BUMABA

DULO ISLA PUTING BATO

KINILALA

MAYNILA

NAKITA

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with