^

Metro

Bus salpok sa truck: 1 patay, 17 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isa ang patay habang 17 pa ang nasugatan nang sumalpok ang isang rumaragasang pampasaherong bus sa isang nakaparadang dump truck sa kahabaan ng EDSA sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Arturo Albaladejo, 28, driver ng bus, habang ang mga sugatan namang pasahero nito ay agad na isinugod sa iba’t ibang ospital bunga ng mga tinamong sugat sa mukha at katawan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Binabagtas ng Malanday Metrolink bus (TVW-861) na mina­maneho ni Albaladejo na may biyaheng Malanday-NAIA ang naturang lugar galing Cubao patungong Balintawak nang biglang sumalpok ito sa nakaparadang dump truck (CNS-675) na minamaneho ni Alfredo Apostol, 35. Sinasabing nakaparada sa naturang lugar ang dump truck dahil nasiraan ito at kinukumpuni kung kaya hindi namalayan ito ng driver ng bus.

Sa lakas ng impact ay nawasak ang unahang bahagi ng bus kung saan naipit ang driver nito, at ibang pasahero habang ang ilan sa mga huli ay tumilapon naman sa loob ng bus.

Tinitingnan ng awtoridad ang anggulong naidlip ang driver ng nasabing bus, base sa testimonya ng ilang nakaligtas na pasahero dahil bumibiyahe pa lamang anya ay pagewang-gewang na ang kanilang takbo.

vuukle comment

ALBALADEJO

ALFREDO APOSTOL

ARTURO ALBALADEJO

AYON

BALINTAWAK

BINABAGTAS

BUS

CUBAO

MALANDAY METROLINK

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with