^

Metro

Informer ng militar itinumba

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hinihinalang mga miyembro ng sindikato ng iligal na droga ang nasa likod ng pamamaslang sa isang sinasabing informer umano ng military makaraang pagbabarilin ito kamaka­lawa ng gabi sa Taguig City.

Isang tama ng bala ng ka­libre .45 baril sa kaliwang mata ang agad na tumapos sa buhay ng biktimang si Richard Ronquillo, 34, nakatira sa Lot 6 Purok 4, Upper Bicutan.

Sa ulat na nakarating sa Southern Police District, nag­lalakad mag-isa ang biktima sa kanto ng Cagayan de Oro St. sa Maharlika Village dakong alas-9:30 ng gabi nang paslangin ito.

Tulad ng ibang pagpatay na may kinalaman sa iligal na droga ang krimen, habang tikom ang bibig ng mga residente sa naturang lugar kung saan walang nais tumestigo.

Nakuha sa lugar na pi­nangyarihan ng pamamaslang ang isang basyo ng kalibre .45 na baril na hini­hinalang mula sa armas na ginamit ng salarin.

Maaari umanong natu­nugan ng sindikato ng iligal na droga na namamayagpag sa Maharlika Village ang pagda­ting ni Ronquillo na maaaring nabuko na nila ito bilang informer ng Narcotics Intelligence Group ng AFP.

vuukle comment

HINIHINALANG

ISANG

MAHARLIKA VILLAGE

NARCOTICS INTELLIGENCE GROUP

ORO ST.

RICHARD RONQUILLO

SHY

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with