^

Metro

200 most wanted criminal susupilin ng PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang-daan na most wanted criminal ang target dakpin ng mga ope­ratiba ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng isang buwan upang matiyak ang peace and order, partikular ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ito ang mariing direktiba ni PNP Chief Director Ge­neral Nicanor Bartolome sa mga pinuno at tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) gayundin sa Police Pro­vincial at Regional Director sa buong kapuluan.

Sinabi ni Bartolome na dahil sa paglobo na naman ng bilang ng kriminalidad ngayong nalalapit na ‘holiday season’ ay mahalagang madakip ang 200 kriminal sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Bartolome, 50 wanted na mga kri­minal ang nakaatang sa pa­­munuan ng CIDG na madakip habang ang 150 pa ay pagtutulungan naman ng bawat Police Provincial at Regional Office.

Sa kabila nito, kumambyo naman si Bartolome na walang ‘fixed quota’ sa mga Provincial Police Office dahil dadaan pa ito sa kaukulang ebalwasyon kung ilan ang mga wanted na kriminal sa lugar na nasasakupan ng kanilang hurisdiksyon.

Idinagdag pa ng PNP Chief na kung mahuhuli at maikukulong ang mga ‘most wanted’ na kri­minal ay mababawasan ang kriminalidad na nangyayari sa kapaligiran na naglalayong mapayapa ang sam­bayanan.

BARTOLOME

CHIEF DIRECTOR GE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

NICANOR BARTOLOME

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE OFFICE

POLICE PRO

POLICE PROVINCIAL

REGIONAL DIRECTOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with