^

Metro

Fire volunteer na inatake sa pagresponde, pinarangalan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinagkalooban ng post­humous plaque of recognition ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang fire volunteer na inatake sa puso at nasawi habang patungo sa pagresponde sa sunog sa kasagsagan naman­ ng typhoon “Pedring”, ka­sunod ng ginawang pagsasalba sa mga pasyente ng Ospital ng Maynila, na pinasok ng mala­king baha.

“May the late John Murphy­ Dantic Corre’s exemplary he­rois­m­­ and selflessness inspire us all,” pahayag ni Lim sa pag­bibigay ng parangal sa naulilang maybahay ni John Corre, 32, na si Victoria Corre.

Isinabay ito sa regular na flag-raising ceremony sa Manila City Hall kahapon, kung saan dumalo rin si George Go Pen Siong, President Emeritus ng Association of Volunteer Fire Chiefs and Fire Fighters of the Philippines, Inc. (AVFCFFPI).

Sobrang pagod marahil sa paglilikas mula sa 1st floor patungong 2nd floor sa mga pasyente ng OSMA, nagawa pang sumama ni Corre sa responde sa sunog sa Quezon City dakong hapon ng Setyembre 28, kung saan naman inabot siya ng atake sa puso na hindi na naisalba.

Ipinahahanda na rin ni Lim sa kanyang chief of staff at media­ bureau chief Ric de Guzman ang ipagkakaloob na scholarships sa apat na anak na na­iwan ni Corre.

ASSOCIATION OF VOLUNTEER FIRE CHIEFS AND FIRE FIGHTERS OF THE PHILIPPINES

DANTIC CORRE

GEORGE GO PEN SIONG

JOHN CORRE

JOHN MURPHY

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

PRESIDENT EMERITUS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with