^

Metro

Kinarnap na SUV, narekober

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang abandonadong Mitsu­bishi Estrada na kinarnap sa harap ng simbahan sa lungsod Caloocan nitong Linggo ng gabi, ang narekober naman sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat ng Ani-Carnapping Unit ng Quezon City Police District, ang naturang sasakyan na may plakang RMA-707 ay pag-aari ng isang Reynaldo Estrella, 55, naninirahan sa Maligaya St., Caloocan City.

Sinabi ni Estrella, nawala ang naturang sasakyan sa harap ng Sto. Niño de Mali­gaya Church sa Ca­lo­ocan ganap na alas-6:45 ng gabi.

Sinasabing nagsimba lamang­ ang pamilya ni Estrella sa naturang simbahan at paglabas nito ay wala na ang kanilang sasakyan.

Samantala, narekober ang nasabing sasakyan nang maispatan ito ni Elena Sermena, asawa ng namayapang si Redford White at kaibigan ng pamilya Estrella sa may Malakas St., habang nakaparada.

Agad na tinawagan ni Sermena ang pamilya Estrella at inireport ito sa awtoridad na ugat upang marekober ito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) wala namang nawa­walang gamit sa loob ng sasakyan.

Ang nasabing sasak­yan ay agad na itinurn-over ng DACU sa pamilya Estrella, habang patuloy ang pagsi­siyasat sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

ANI-CARNAPPING UNIT

CALOOCAN CITY

ELENA SERMENA

ESTRELLA

MALAKAS ST.

MALIGAYA ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REDFORD WHITE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with