^

Metro

DILG sa SPD: Isyu ng illegal vendors sa Baclaran resolbahin

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hinihintay ngayon ng pamunuan ng National Shrine of Our Lady of Perpetual Help o Baclaran Church ang aksyon ng Parañaque City Police at Southern Police District (SPD) makaraang maglabas ng me­morandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nag-uutos na resolbahin ang problema sa mga illegal vendors sa paligid ng naturang Simbahan.

Sinabi ni Fr. Victorino Cueto, rector ng Baclaran Church na hanggang ngayon ay wala pang konkretong aksyon na ginagawa ang pulisya sa naturang kautusan makaraang magpadala sila ng liham kay Secretary Jesse Robredo ukol sa kinakaharap nilang problema sa illegal vendors na tumataklob na sa bisinidad ng simbahan at sumisira sa kabanalan ng lugar.

Matatandaan na unang ini­reklamo ni Cueto kasama ang mga miyembro ng Association of Baclaran Redemptorists, Residents, Stall Owners, Stall Holders Inc. ang namamaya­ning sindikato umano ng iligal na vendors na nakikinabang ng daan-daang milyong koleksyon kada taon.

Nagpadala na ng liham sina Fr. Cueto sa DILG na tumugon sa pagpapalabas ng memorandum na hindi naman umano sinusunod ng lokal na pulisya. 

Ipinarating na rin ito ng pamunuan ng Simbahan at ng asosasyon ng mga legal na vendors at building owners kay Pangulong Benigno Aquino III na nagpadala naman ng mga tauhan ng Presidential Ma­nagement Staff (PMS) ngunit wala pang konkretong solusyon na inilalabas ang mga ito.

Sa reklamo nina Cueto, problema nila ang ipinalalabas na ordinansa ng pamahalaang lokal ng Parañaque na nagbibigay otorisasyon kada taon na isarado kada tatlong buwan sa pagsapit ng Kapasukhan ang Redemptorist Church at magtinda ang mga illegal vendors­ sa mga itatayong tents kapalit ng araw-araw na ko­leksyon.

Dahil dito, natatabunan na ng mga illegal vendors ang buong bisinidad ng Baclaran Church, namamatay ang mga legal na negosyo na nagba­bayad ng buwis at amilyar habang hindi mapigilan ang pagtaas ng antas ng krimen sa Baclaran.

ASSOCIATION OF BACLARAN REDEMPTORISTS

BACLARAN CHURCH

CITY POLICE

CUETO

NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF PERPETUAL HELP

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL MA

REDEMPTORIST CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with