^

Metro

Parking fee, ibaba - Manila dad

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Manila 3rd District Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagbawas sa parking fee sa mga malls sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Nieto, hindi umano makatarungan na pantay ang singil ng mga malls sa parking fee ng mga motorsiklo at mga kotse.

Sinabi ni Nieto na patuloy ang pagdami ng gumagamit ng motorsiklo bunsod na rin ng matinding trapiko sa bansa.

Nabatid na umaabot sa P30 ang sinisingil na parking fees sa mga mall sa mga motorsiklo gayung mas maliit ang motor­siklo kaysa sa isang four-wheel vehicle na katumbas nito ay maaaring makapag-park ng apat na motorsiklo.

Bunsod nito, layunin ng naturang resolusyon na gawing P15 sa halip na P30 ang parking fee ng mga motorsiklo sa mga mall at iba pang operators na may parking facilities sa lungsod.

AYON

BUNSOD

DISTRICT COUNCILOR JOHN MARVIN

ISINUSULONG

MAYNILA

NABATID

NIETO

SINABI

YUL SERVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with