^

Metro

Lasing nahulog sa creek, dedo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang obrero na sinasabing nahulog sa creek ang nasawi kahapon ng umaga sa Pasig City.

Ang biktima ay nakilalang si Mark John Farro, 29, construction worker, ng West Rembo, Makati City.

 Dakong alas-8 ng umaga nang makita ng mga residente ang bangkay ng biktima sa creek, malapit sa ginagawang Pearl Place Condominium sa Goldenville Drive, Brgy. San Antonio, Pasig City.

Ayon sa report ng Pasig City police, huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-7 kamakalawa ng gabi na umi­inon ng alak at kumakanta sa isang mini videoke bar sa lugar.

Nagulat ang mga kasamahan nito nang makitang wala ng buhay sa ilalim ng creek ang biktima na pinaniniwalaang nahulog dahil sa sobrang kalasingan.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng biktima dahil may nakitang sugat sa kanyang ulo.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAKONG

GAYUNMAN

MAKATI CITY

MARK JOHN FARRO

PASIG CITY

PEARL PLACE CONDOMINIUM

SAN ANTONIO

WEST REMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with