^

Metro

E-Dalaw, palalawakin pa ng BJMP

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos mailunsad ang e-Dalaw o electronic dalaw sa Quezon City jail, target na rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na gawing hi- tech din ang iba pang kulungan sa bansa.

Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, katuwang ng ahensiya ang Office of the Solicitor General at nangangalap na sila ngayon ng karagdagang pondo para mapalawak pa ang tinatawag na e-Dalaw.

Sa pamamagitan ng e-Dalaw, maaari nang mabisita, makita at makausap ang isang preso ng kanilang mga kaanak sa internet. Sa ngayon, umaabot na sa 65,000 inmates ang nasa pamamahala ng BJMP.

Sa datos ng ahensya, ang National Capital Region ang may pinakamaraming bilang ng bilanggo na umabot na sa 19, 000 at pinakamarami dito ay nasa Manila city jail.

Bukod sa mga kulungan na nasa ilalim ng BJMP, target din na lagyan ng computer at magkaroon ng e-Dalaw sa maximum compound ng New Bilibid Prison.

AYON

BUKOD

DALAW

DIRECTOR ROSENDO DIAL

MATAPOS

NATIONAL CAPITAL REGION

NEW BILIBID PRISON

QUEZON CITY

SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with