^

Metro

Motorcycle lane, ipapatupad bukas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sa pangunguna ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, full force bukas ang mga kawani ng ahensiya sa unang araw ng implementasyon ng motorcycle lane rule sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at Macapagal Avenue sa Pasay City.

Nabatid kay Tolentino, sa bahagi ng Commonwealth , siya mismo ang titingin sa magiging operasyon, habang si Undersecretary Alex Cabanilla naman ang mamamahala sa Macapagal Avenue. Wala na umanong makakaligtas sa mga lalabag sa ipapatupad na motorcycle lane rule dahil huhulihin na ang mga ito.

Naniniwala si Tolentino, sapat na ang kanilang ibinigay na impormasyon sa publiko ukol sa mahigpit nitong ipapatupad na motorcycle lane rule sa dalawang nabanggit na lugar. Multang limang daan piso ang ipapataw sa mga mahuhuling lalabag.

Layon pa rin ng paglalaan ng motorcycle lane ay ang mabigyan lunas ang problema sa trapiko at higit sa lahat ang kaligtasan ng mga motorista sa dalawang nabanggit na lugar partikular ang Commonwealth na tinaguriang “ killer highway” dahil sa maraming bilang ng mga aksidente dito.

vuukle comment

CABANILLA

COMMONWEALTH AVENUE

FRANCIS TOLENTINO

MACAPAGAL AVENUE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

QUEZON CITY

TOLENTINO

UNDERSECRETARY ALEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with