^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawa sa apat na mga holdaper ang nasawi makaraang maaktuhan na nanghoholdap sa isang pampasaherong jeep ng mga tauhan ng Manila Police District-Sation 2 sa Tondo­, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni MPD-Station 2 Commander, P/Supt. Jemar Modequillo ang isa sa nasa­wing suspect na si Rommel Lerios, 46, driver, ng Cubao, Quezon City habang inilarawan ang isa pa sa gulang na 25-30, 5’ ang taas, mahaba ang buhok, nakasuot ng gray na jacket, blue t-shirt, red short pants at walang sapin sa paa.

Nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan nila na armado ng baril.

Sa ulat, dakong alas- 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Juan Luna St., Tondo, Maynila.

Nabatid na sumakay umano sa Padre Rada St. ang apat na suspect sa pampasaherong dyip (TXW-540) na may biyaheng Divisoria-Gasak/Na­votas at ilang minuto lamang ay nagdeklara ng holdap. Nilimas ng mga ito ang mahahalagang ka­gamitan at pera ng mga pasahero.

Mabilis na bumaba ng jeep ang mga suspect nang mapuna ng mga tauhan ng MPD-station 2 Anti-Crime Unit ang mga kilos nila at sinita.

Sa halip na huminto ay pinaputukan ng mga suspect ang mga sumitang pulis kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad na ikinasawi ng dalawa sa mga ito.

Nagawa namang makatakas ng dalawa pa nilang kasama.

Narekober sa mga suspect ang dalawang kalibre 38 baril, pera at kagamitan ng mga biktima mula sa bumu­lagtang mga suspect.

ANTI-CRIME UNIT

JEMAR MODEQUILLO

JUAN LUNA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-SATION

MAYNILA

PADRE RADA ST.

QUEZON CITY

ROMMEL LERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with