^

Metro

84-anyos na lolo natagpuang patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 84-anyos na lolong­ dating U.S. veterans na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay sa ulo kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Nicolas Bianzon, residente ng Dolmar Subdivision, Llano, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon nang ma­tagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito nang puntahan ng kanyang mga kapitbahay na si Cirilia Datuin, 48 at Virginia Benedicto, 51 dahil napansin nila na hindi lumalabas ang biktima.

Subalit laking gulat ng mga ito nang bumulaga sa kanila ang nakandusay na katawan ng biktima sa may kusina kung saan ay wala nang buhay ang matanda na naging dahilan upang agad na itawag sa pulisya.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga rumes­pondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng kanyang ulo ang biktima na hinihinalaang pinalo ng matigas na bagay.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CIRILIA DATUIN

DOLMAR SUBDIVISION

KINILALA

LUMALABAS

NICOLAS BIANZON

PATAY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VIRGINIA BENEDICTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with