^

Metro

Ama tinangkang patayin ng adik na anak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nawala na sa katinuan ang isang 20-anyos na lalaki na sugapa sa droga makaraang tangkaing paslangin nito ang sariling ama sa pama­magitan ng pananaksak ma­tapos na tumangging bigyan ito ng pera na pambili ng iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nahaharap ngayon sa kasong attempted parricide ang suspek na nakilalang si Cris Rimas, miyembro ng Batang City Jail at naninirahan sa 4th & 11th St., Villamor Airbase, ng naturang lungsod.

Ipinakulong si Cris ng sa­riling ama na si Eduardo, 56, na masuwerteng nakailag sa mga unday ng saksak na pinaka­walan ng adik na anak.

Sa ulat ng Pasay City Police, abala sa pagtitinda sa maliit nilang kainan si Eduardo sa tapat ng kanilang bahay dakong alas-10 ng gabi nang dumating ang suspek at nanghingi ng pera.

Tumanggi naman ang ama na bigyan ito dahil sa ipambibili lamang nito ng iligal na droga na labis na ikinagalit ng anak. Mistulang sinaniban umano ng masamang espiritu si Cris nang kumuha ng kutsilyo at inunda­yan ng saksak ang ama na nagawang makailag at makatakbo.

Hinabol pa ng anak ang tumakas na ama ngunit nakahingi ito ng saklolo sa mga nagpa­patrulyang barangay tanod na siyang dumakip sa tampalasang anak at makum­piska ang 10-pulgadang patalim na bitbit nito.

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

CRIS RIMAS

EDUARDO

HINABOL

IPINAKULONG

MISTULANG

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SHY

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with