^

Metro

'Akyat-bahay' huli sa akto

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang akyat bahay gang ang nadakip sa loob mismo ng bahay na kanyang pinagnanakawan makaraang magising ang may-ari ng bahay na kanyang inakyat sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Marvin Mejia, 31, ng Sacrepante St., Bgy. Barangka Ibaba, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, mismong ang biktima na si Catherine Ranes, 29, ng Kapalaran St., Bgy. Barangka Drive, Mandaluyong City ang nakakita sa ginawang panloloob ng suspek sa kanyang tahanan, dakong alas-4:00 ng umaga makaraang magising sa narinig na kaluskos sa loob ng kanilang bahay.

Pagdilat ng kanyang mata ay nakita niya ang suspek na abala sa pagnanakaw hanggang hinintay na lumipat sa kabilang kuwarto at doon nakakuha ng pagkakataon na makalabas ng bahay ang ginang at humingi ng tulong sa mga tauhan ng bantay bayan na malapit lamang sa kanilang lugar.

Nasa loob pa ng bahay ng biktima ang suspek noong du­mating mga tauhan ng bantay bayan saka dinakip ang suspek na armado ng patalim.

vuukle comment

AYON

BAHAY

BARANGKA IBABA

BGY

CATHERINE RANES

ISANG

KAPALARAN ST.

MANDALUYONG CITY

MARVIN MEJIA

SACREPANTE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with