^

Metro

Mga preso sa QC jail, gagamit ng internet

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi na hadlang para sa mga preso sa Quezon City jail ang malayong distansiya ng kanilang mga mahal sa buhay para makausap at makita ang mga ito.

Ito ay makaraang ilunsad kahapon ng QC jail ang tina­guriang e-Dalaw system na naglalayong mapalapit ang mga preso sa kanilang mga mahal sa buhay o pamilya.

Ang e-Dalaw System ay pormal na inilunsad kahapon ng Quezon City Jail sa pamamagitan ng Bureau of Jail Manage­ment ang Penology (BJMP) sa pakikipag-tulungan ng Office of the Solicitor General.

“There are many stories that really moved us in bringing this project in partnership with the BJMP. We are happy that it is now being realized,” ayon kay Assistant Solicitor General Karl Miranda na siyang nakipag-coordinate para sa donasyon ng mga computers dito.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 65,000 preso ang nasa pangangalaga ng BJMP, ilan sa mga ito ay mula sa liblib na probinsya sanhi para mahirapan ang mga pamilya ng mga ito na makadalaw.

Sa naturang proyekto, maaabot na ng mga preso ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng internet . Ang jail warden ang gagawa ng schedule ng araw at oras ng pakikipag-usap ng mga preso.

Sa implementasyon ng proyekto, priority ang mga preso na maysakit at matatanda na hindi nadadalaw ng kanyang kaanak.

ASSISTANT SOLICITOR GENERAL KARL MIRANDA

BUREAU OF JAIL MANAGE

DALAW

DALAW SYSTEM

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PRESO

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with