^

Metro

Apo ng heneral, 3 pa nag-suicide

- Nina Ricky Tulipat, Doris Franche at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Apat na insidente na naman ng suicide ang naitala sa loob ng 24 oras sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Dalawa sa mga ito ang naganap sa Maynila, isa sa Quezon City at isa sa Marikina, kabilang dito ang apo ng isang retiradong general sa PNP na nagbaril sa sarili.

Sa Quezon City, Call center agent na apo ni Gen. Filart, nagbaril

Depresyon sanhi ng umano’y magulong relasyon sa kanyang girlfriend ang nagtulak sa isang call center agent na apo ng retiradong police general na barilin ang kanyang sarili sa loob ng isang kuwarto ng hotel sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Luis Christopher Alvarado, 26, at naninirahan sa Don Antonio Heights, Quezon City.

Si Alvarado ay natagpuan na lamang walang buhay at nali­­ligo sa sarili nitong dugo dahil sa tama ng bala sa kaliwang sentido at naglagos sa kanang bahagi ng kanyang ulo sa may loob ng Room 708 Sogo Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng Roces Avenue sa Brgy. Pinagkaisahan.

Ayon kay SPO2 Chris­topher Ronquillo, ang nasawi ay apo umano ni retired Ge­neral Marian­o Filart, dating chief ng binu­wag na Capital Region Command (Capcom). Ang tatay ni Alvarado’ ay pamangkin ni Filart.

Ginamit ni Alvarado sa kanyang pagpapakamatay ang isang kalibre 38 baril na hawak pa nito nang siya ay matagpuang walang buhay.

Sa pagsisiyasat, nag-check-in sa hotel ang nasawi ganap na alas-12:30 Lunes ng hapon at magcheck-out sana ganap na alas-8:10 ng gabi. Tinawagan ng hotel desk ang kuwarto ni Alvarado para ipaalala dito na tapos na ang kanyang oras, pero wala namang sumasagot.

Dahil dito, nagpasya ang pamunuan ng Sogo na tumawag ng pulis na agad namang nagpadala ng imbestigador na sinamahan ng security guard para asistihan ito sa pagbubukas ng kuwarto.

Sinabi naman ni Ethel Ro­dri­guez, 24, girlfriend ng biktima sa mga awtoridad, ang hu­ling text message na kanyang natanggap kay Alvarado ay ganap na alas-4:30 ng hapon nitong Lunes.

Matapos nito, dagdag ni Rodriguez, hindi na sumasagot ang biktima sa kanyang mga tawag o mag-reply man lang sa kanyang text messages. Nalaman na lamang umano ni Rodriguez ang pagkamatay ni Alvarado kahapon ng umaga nang magawa niyang makakonekta sa phone nito, pero ang sumagot ay ang isa sa mga police investigator.

Noong nakaraang Biyernes ng gabi, ang dalawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo matapos na magselos umano si Rodriguez dahil si Alvarado ay madalas na nakikipag-ugnayan pa rin sa kanyang dating girlfriend. Nang araw din iyon, sinabihan umano ni Rodriguez si Alvarado na gusto na niyang makipagkalas dito, pero ayaw ng huli.

Ayon pa kay Rodriguez, matapos ang kanyang trabaho ay gusto sana niyang puntahan si Alvarado para plantsahin ang bagay-bagay, pero hindi na niya ito makontak.

Sa Marikina, Ama, uminom ng silver cleaner

Hindi na umano nakayanan pa ng isang ama ng tahanan ang problema sa kaniyang buhay at pamilya kung kaya’t pagpapatiwakal sa pamamagitan nang pag-inom ng silver cleaner ang naisip nitong solusyon para matapos na ang kaniyang problema sa Marikina City kahapon ng umaga.

Patay na nang matagpuan ng kaniyang mga kasambahay ang biktimang si Ruel Tajale, 36, family driver, at tubong Tagum, Davao City, sa loob ng kaniyang tinutuluyang kuwarto sa bahay ng kaniyang amo na matatagpuan sa J.P. Rizal St., Malanday, Marikina City.

Nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang matuklasan ng kaniyang mga kasamahan ang pagpapakamatay ng biktima.

Nabatid na ginigising ng kanyang mga kasamahan ang biktima upang ihatid sa klinika ang among doktora, ngunit patay na ito.

Isang suicide note, na nakasulat sa apat na pahina ng notebook, ang nakuha ng mga awtoridad mula sa bag ng biktima kung saan sinasabi nito na nagpatiwakal siya dahil hindi na niya makayanan pa ang kanyang problema sa buhay at pamilya niya sa Davao. Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-9:00 ng gabi makaraang sunduin nito ang anak na babae ng kanyang amo.

Sa Maynila, Kelot takot makulong, nagbigti

Dahil sa takot na makulong, isang lalaki ang nagbigti sa loob ng kanyang silid matapos na dumalo sa hearing ng kanyang kaso sa Manila City Hall sa San Andres Bukid Maynila.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Rolando Baltazar, ng Rubi St. San Andres Bukid, Maynila.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, nasa pagitan ng alas-5:30 hanggang alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa loob ng silid ng biktima sa nabanggit na lugar.

Bago ito, dumalo sa hearing sa Manila City Hall noong Lunes ng umaga ang nasawi kasama ang kanyang mga kamag-anak dahil sa kasong trespass to dwelling at malicious mischief at pagkatapos ay umuwi na ng bahay.

Makalipas ang ilang oras, natuklasan na ang ginawang pagbibigti ni Rolando.

Kinatatakutan umano ng biktima ang posibilidad na ma­talo ito sa kaso at makulong kung kaya’t minabuti na lamang na magpatiwakal. Doris Franche

ALVARADO

AYON

BIKTIMA

CITY

FILART

KANYANG

MANILA CITY HALL

MARIKINA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with