^

Metro

Mga gatas nagliparan sa daan, sinamantala ng mga kawatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mistulang galing sa langit ang kumalat na daan-daang lata ng gatas sa C-5 Road, Taguig City na sinamantalang tangayin ng mga residente makaraang tumagilid ang isang delivery van sa naturang lugar kahapon ng umaga.

Nabatid na tinatahak ni Tito Sulueta, 27, driver ng delivery van (TGX-112) ang kahabaan ng C5 Road dakong alas-6 ng umaga sa naturang lungsod nang isang pampasaherong jeep umano ang biglang humarang sa kanya.

Dito napilitang agad na magpreno at kabigin ni Sulueta ang manibela ngunit dahil sa bilis ay tumagilid ito at nagliparan sa kalsada ang lamang mga lata ng ebaporada at kondensadang gatas.

Sa halip naman na saklolohan ang driver na si Sulueta, mistulang nagpiyesta sa tuwa ang mga residente sa naturang lugar nang pagkaguluhan ang mga lata ng gatas na nagkanya-kanya sa pagpulot sa kalsada at iuwi sa kanilang mga bahay.

Masuwerte namang hindi nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Sulueta na nires­pondehan naman ng mga tauhan ng barangay. Mas malaking problema umano niya ay kung paano ipapaliwanag sa kanyang kompanya ang pagkawala ng idideliber sanang lata ng gatas.

vuukle comment

DITO

GATAS

LATA

MASUWERTE

MISTULANG

NABATID

SULUETA

TAGUIG CITY

TITO SULUETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with