Police asset itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na sinasabing asset ng pulis matapos itong pagbabarilin ng suspek mismo sa harapan ng bahay nito sa Malabon City kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Eduardo Eudisio, 36, ng Brgy. Longos, ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Kinilala ang tumakas na suspek na si Michael Ignacio, “alyas Michael Bulag”, ng Halaan St., ng nasabing barangay.
Dakong alas-2:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.
Kasalukuyang nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una.
Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan, subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.
Nabatid na ang biktima ay kilala umanong police asset sa kanilang lugar.
- Latest
- Trending