^

Metro

Aircon bus hinoldap ng 3 'parak'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong aircon bus ang hinoldap ng tatlong armadong kalalakihang nagpakilalang mga pulis at tinangay ang kita ng bus at mga kagamitan ng pasahero nito sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga .

Sa ulat ng pulisya, ang hinoldap na bus ay ang Malanday Metro Link (TWL-790) na may biyaheng Malanday-Baclaran at may tanggapan sa Babes, Santolan, Quezon City.

Ayon kay Anthony Reyes, konduktor ng bus, tatlong suspect na armado ng baril at patalim ang nangholdap at tumangay sa kanilang kita maging sa gamit ng mga pasahero.

Naganap ang deklarasyon ng holdap sa may kahabaan ng Ortigas, ganap na ala- 1:45 ng hapon.

Sinabi ni Reyes, unang sumakay ang mga suspect sa kanilang bus na minamaneho ni Joselito Bayabado sa may bahagi ng Baclaran. Pero hindi umano nagbayad ang mga suspect matapos na magpakilalang mga pulis at nagsabing bababa sa may bahagi ng Ayala.

“Nagsabi kasi sila ng “badge” kaya hindi ko na siningil, kasi pag badge nangangahulugan na ano sila mga pulis, “sabi ni Reyes.

Subalit, nakaraan na umano sila ng Ayala ay hindi bumaba ang mga suspect, hanggang sa pagsapit sa bahagi ng Ortigas kung saan nagsipagbabaan na ang ibang mga pasahero ay saka nagdeklara ng holdap ang mga una.

Dito ay agad na tinutukan ng isa sa mga suspect ng kutsilyo si Reyes habang tinutukan naman ng baril ng isa si Bayabado, habang ang isang suspect naman ay nililimas ang mga gamit ng natitirang pasahero nito.

Habang ginagawa ang panghoholdap ay inutusan ng mga suspect si Bayabado na tuluy-tuloy na paandarin ang bus, at pagsapit sa Santolan partikular sa harap ng Camp Crame ay nagsipagbabaan ang mga suspect at tumakas.  

ANTHONY REYES

AYALA

BAYABADO

CAMP CRAME

JOSELITO BAYABADO

MALANDAY METRO LINK

QUEZON CITY

REYES

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with