^

Metro

Bisor ng barko, tigok sa suntok

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bulagta at tuluyan nang bumigay ang isang 28-anyos na supervisor sa barko nang masuntok umano ng magpinsang seaman, sa isang KTV bar, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Daniel Bulanadi, may-asawa, vessel supervisor sa Manila North Harbor Port Inc. at residente ng #1950 F. Varona St., Tondo, Maynila.

Arestado naman ang mga suspect na kinilalang sina Jason Chua, 35, at si John Ryan Chua, 35, kapwa seaman at nakatira sa Pier 18 Vitas North Harbor, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Ber­nardo Cayabyab, dakong alas-10:30 ng nang maganap ang insidente sa harap ng Villa D’Angel KTV Bar na matatagpuan sa Marcos Road malapit sa Pier 18 North Harbor,Tondo,Maynila.

Ayon sa magpinsang Chua, papasok pa lang sila ng nabanggit na bar nang makasalubong nila ang biktima at kasamahan nito na papalabas na at lasing.

Makitid umano ang daanan ng KTV bar kaya nakabangga ng biktima si John Ryan na nauwi sa pagtatalo at naawat naman umano ni Jason.

Umuwi na ang biktima subalit bumalik umano ito at muling kinompronta ang magpinsan hanggang sa ma­uwi sa rambulan kaya’t agad rumesponde ang security patrol ng Manila North Harbor.

Sa aktong naroon ang mga security patrol­, bumulagta na ang biktima kaya hindi na pinakawalan ang magpinsan habang isinugod naman ang biktima  sa Mary Johnston Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Itinanggi ng mga suspect na nasuntok nila ang biktima. Natukoy naman na nagkaroon ng hematoma o pamumuo ng dugo sa ulo ng biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

DANIEL BULANADI

JASON CHUA

JOHN RYAN

JOHN RYAN CHUA

MANILA NORTH HARBOR

MANILA NORTH HARBOR PORT INC

MARCOS ROAD

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with