MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na bibigyan nila ng libreng sakay ngayong araw ng Sabado (Oct. 8) ang mga matatanda o mga senior citizens sa bansa.
Ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriguez, ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga senior citizens ay bilang tugon sa kahilingan sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bunsod ng pagdiriwang ng “Elderly Filipino Week”.
Sinabi ni Rodriguez, kailangan lamang na magpakita ng senior citizens card ang sinumang nais sumakay ng libre sa LRT Line 1 mula sa Baclaran-Roosevelt at LRT Line 2 na mula sa Recto-Santolan.
Hinikayat ni Rodriguez ang mga matatanda na samantalahin ang nasabing pagkakataon na ibinibigay para sa kanila.